Lorem Ipsum Dolor .......

Lorem ipsum lorem ipsum lorem ipsum lorem ipsum.......

Thursday,
Jul
16,

TUNAY KANG MATAPAT
(Great is Thy Faithfulness)TAGALOG
VERSE1
O Dios naming Ama laging tapat
Hindi nagbabago sa twi-twina
Namamalagi ang awa’t pagsinta
Ang katapatan Mo’y walang hanggan

CHORUS
Tunay Kang matapat!
Tunay Kang matapat!
Araw-araw aking namamalas
Ang nasa ko ay aking natanggap
Tunay Kang matapat
Hanggang wakas

VERSE2
Tag-ani, tag-ulan at sa tag-araw
B’wan, araw, at bituin kumikinang
Nag-aawitan na may kasiyahan
Katapatan Mo O Dios ay tunay

VERSE3
Kapatawaran at kapayapaan
Mga pangako Mong umakbay
Ang pag-asa’t lakas ay sumisilang
Ang lahat na ito’y kaloob lamang

Thursday,
Jul
16,

MATAMIS ANG MAGTIWALA KAY HESUS
(‘Tis so Sweet to Trust in Jesus)TAGALOG
VERSE1
Matamis na magtiwala
Kay Hesus na dakila
Lalasapin ko’y biyaya
At walang hanggang pala

CHORUS
Hesus, Hesus, anong tamis
Ang sa Iyo’y umiibig
Hesus, Hesus, aking nais,
Ang sa Iyo’y manalig

VERSE2
Kay sarap ang magtiwala
Sa dugo N’yang bumaha
Sala ko’y nahugasan nga
At kanyang pinalaya

VERSE3
O kay tamis ni Hesus
Na sa aki’y tumubos
Siyang kaaliwang lubos,
At kabuhayang puspos

Thursday,
Jul
16,

Himnaryo ng Kristiano

PANGINOON LINGKOD MO’Y HUMAHANGA # 211
(How Great Thou Art)TAGALOG
VERSE1
Panginoon, lingkod Mo ay namangha
Sa daigdig, na Iyong nilikha
Naririnig, namamasdan ng madla
Ang lahat ng, bagay maging tala

CHORUS
Umaawit, ang aking kaluluwa
Panginoon, dakila Ka
Umaawit, akong buong sigla
Panginoon, dakila Ka

VERSE2
Nadarama, ko ang simoy ng hangin
Ang huni ng ibon dinig ko rin
Namamalas ko ang ganda ng tanawin
Maging batis, ay kapansin-pansin

VERSE3
Kung bulayin ko ang Iyong pag-ibig
Na handog Mo, sa buong daigdig
Ang Hirang Mo, na naghirap ng labis
Nabayubay sa krus at nagtiis

VERSE4
S’ya’y darating, tayo ay maghihintay
Upang kunin, yaong kanyang hirang
Ihahayag, na may buong paggalang
Itataas ko ang Kanyang Ngalan